“Standin’ in the light of your halo⁣”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng atmosphere ng dwarf planet na Pluto na nakuhanan umano ng kanilang New Horizons spacecraft.

Sa Instagram post ng NASA, inihayag nitong napitikan ang “hazy, extremely thin atmosphere” ng Pluto mula sa 120,000 miles (200,000 km) sa itaas ng surface nito.

“Scientists speculate that the haze is a photochemical smog as sunlight and molecules like methane interact, producing complex hydrocarbons,” anang NASA.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“These hydrocarbons accumulate into small particles, a fraction of a micrometer in size, and scatter sunlight to make the bright blue haze seen in this image,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa NASA, mula 1979 hanggang 1999, mas malapit pa umano sa araw ang Plulo kaysa sa Neptune.

“While Pluto is about 3.7 billion miles (5.9 billion kilometers) away from the Sun on average, its atmosphere extends when it nears the Sun and may freeze when it travels farther away,” saad ng NASA.

Taong 2006 nang i-reclassify umano ang Pluto bilang isang dwarf planet, mula sa dating pagiging pang-siyam na planeta nito.