Inamin ng aktres na si Julia Montes na hindi alam ni Coco Martin ang intimate scene nila ni Alden Richards sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance” nang kapanayamin siya ni Boy Abunda nitong Huwebes, Oktubre 5.

Noong una, maligoy pang sumagot si Julia. Pero sa huli, tila nasukol din siya ni Tito Boy nang tanungin na nito kung ano ang naging reaksiyon ni Coco sa intimate scene nila ni Alden.

“The first scene na kinunan dito sa pelikula ay away. And you have intimate scene in the trailer [...] How did you get to that point? Nagpaalam ka kay Coco?” tanong ni Tito Boy.

Tugon ni Julia: “Siguro po may ano kami, e, mayroon kaming pag-uusap ni ‘Co na ‘pag work, support. Ganoon kami ka-supportive. And Coco is very supportive ever since”.

Julia kumabog-dibdib sa 'higupan' nila ni Alden

“Pero walang boundaries? Hindi ka pwedeng makipag-kissing scene, walang ganoon?” pahabol ni Tito Boy.

“Hindi naman po sa wala. Pero this film kasi po, Tito Boy, importante po ‘yung part na ‘yun […] Ito kasi magpo-focus siya sa hardships ng relationship. So, kailangan kang may maipakita a bit of the happy side of the relationship [...] It’s more of ‘yung love n’ong two person.” sagot ulit ni Julia.

“I get that. So, how was that conversation? Noong sinabi mo kay Coco, ang reaksiyon n’ya ay?”

“Hindi ako nagsabi,” natatawang sabi ni Julia.

Mahiyain daw kasi siya kaya hindi na niya nagawa pang magsabi. Pero nagandahan naman umano si Coco sa synopsis ng pelikula nila ni Alden kaya pumayag na rin ang una na gawin ito ni Julia.

Matatandaang inamin ni Julia kamakailan sa isang Instagram Live na kumabog umano ang dibdib niya sa eksena ng laplapan nila ni Alden sa pelikula.

Nakatakdang ipalabas ang “Five Break-Ups and a Romance” sa darating na Oktubre 18, 202