Nakipag-isang dibdib na ang Miss Universe Philippines beauty queen at aktres na si Maxine Medina sa kaniyang diving instructor fiance na si Timmy Llana noong Martes, Oktubre 3, 2023 na ginanap sa Immaculate Heart of Mary Church sa Daang Bakal Road sa Antipolo City.

Ang kaniyang mala-Aphrodite gown ay nilikha ng fashion designer Mark Bumgarner, at ang pinagdausan ng kasal at inayos ng florist at event stylist na si Tei Endencia.

Sa mismong bride, ang nag-ayos kay Maxine ay ang make-up artist na si Albert Kurniawan at ang nag-ayos sa kaniyang buhok ay ang hairstylist Raymond Mateo, kasama si Sayti Tsai.

Noong Abril 2022 na-engage sina Maxine at Timmy.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sa panayam kay Maxine, dalawang kasal daw ang nakatakda nilang gawin: isang church wedding at isang beach wedding.

Inuna nila ang church wedding bilang respeto sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Ang beach wedding naman ay "dream wedding" daw nila.

Ilan sa mga sikat na personalidad na dumalo sa kanilang kasal ay sina Bench Founder Ben Chan at Miss Universe Philippines head honcho Jonas Gaffud.

Si Maxine ay isa sa cast members ng panghapong seryeng "Magandang Dilag" na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

Congrats, Mr. and Mrs. Timmy Llana!