Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na naka-base sa Sulu ang sumuko sa Zamboanga City kamakailan.

Ang mga bandido ay sina Jimmy Ibnohajar, Jul-Amin Subuhani, Juksin Subuhani, at Dhenmar Patta Jamiul.

Sa report ng Philippine Navy, ang apat na miyembro ng ASG ay sumuko sa Naval Forces Western Mindanao headquarters sa Zamboanga City nitong Setyembre 29.

Isinuko rin ng mga ito ang isang al. 50 Barrett Rifle, dalawang Springfield M1 Garand Rifle, isang M16A1 Rifle at iba't ibang bala. 

Isinailalim muna sila sa medical check-up sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) bago inilipat sa kustodiya ng 11th Infantry Division ng Philippine Army (PA).