Inamin ni Kapuso actor Mikoy Morales sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 2, na may artista umano siyang nakaalitan.

Sumalang kasi si Mikoy sa “Talk or Dare” kasama ang kaibigang si Mikee Quintos sa huling bahagi ng panayam nila kay Tito Boy.

Noong una, nag-aalinlangan pa ang aktor na aminin kung sino ang artistang nakaalitan niya. Pero sa huli, sinabi niya rin kung sino.

“Jaclyn Jose,” sabi niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Mikoy, hindi naman umano niya itinuturing na alitan ang nangyari dahil hindi naman daw sila nagkasagutan ng aktres. Pero aminado siyang hindi naayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sa katunayan, may isang pagkakataon umano na nakasalubong nila si Jaclyn pero imbis na bumati, mas piniling umiwas ni Mikoy.

Bagama’t hindi detalyado, ibinahagi pa rin ni Mikoy ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Jaclyn.

“Isa ‘to sa mga ano, e, parang, maybe, madalas mangyari but I took personally. Maybe it’s something like that. Which kinda scared me. To the point na I would get anxious when I would think of stepping…in a set with her there,” paliwanag ni Mikoy.

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag, tugon, o reaksiyon si Jaclyn sa sinabing ito ni Mikoy. Pero ipinagpauna na ni Tito Boy na bukas umano ang kaniyang programa upang marinig ang panig nito.

Samantala, ibinunyag din ni Mikee sa panayam na ito kung kaninong aktor siya umasa ng pagmamahal.

MAKI-BALITA: Mikee Quintos, umasa kay Alden Richards