Isang makabagbag-damdaming mensahe ang isinulat ng mamamahayag na si Marc Logan bilang pag-alala kay Palawan 3rd district Rep. Edward Hagedorn na pumanaw na nitong Martes, Oktubre 3.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Logan na maraming beses daw silang nagkasama ni Hagedorn noong nabubuhay pa ito.

“We planted trees, exchanged jokes and even served as my bodyguard. Astig eh Mayor ang bodyguard ko haha,” kuwento ni Logan.

“You were a man of few words pero lahat totoo lahat tumatagos sa puso ang bawat mong payo. Kaya naman nitong January 10, 2023 sa araw ng aking kasal andoon ka. Hindi nagdalawang salita at pumayag right away na maging Ninong namin ni Lois,” mensahe din niya sa namayapang kongresista.

Palawan Rep. Edward Hagedorn, pumanaw na

Samantala, inihayag din ni Logan na hindi raw niya makakalimutan si Hagedorn bilang isang taong may “malasakit sa kapwa.”

“Bukod sa kanyang opisina nung Mayor siya ng Puerto Princesa, nag oopisina din yan sa isang sulok ng airport, namimigay ng bigas at grocery sa mga tao ng Palawan bago siya umalis papuntang Maynila. Paano mo makakalimutan ang isang Edward Hagedorn na may puso sa mahihirap tulad na rin ng gumanap sa biopic niya na si FPJ,” saad ni Logan.

“Di ka namin malilimutan Sir Ninong. Ikumusta mo kami sa langit sa dapat sana ay Ninang din namin na si Mam Gina Lopez. BFF mo. Rest in Eternal Peace Ninong Ed,” dagdag pa niya.

Matatandaang nito lamang Martes ng umaga nang kumpirmahin ng opisina ni Hagedorn sa pamamagitan ng isang Facebook post ang pagpanaw nito.

?fbclid=IwAR0w7ibuOp105GFWXvyH6DkseXaXsG0rO2GbGejfMGQijdzzJr36tu5l_qM