Bumagsak sa 4th place si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa 19th Asian Games nitong Lunes. 

Naubusan ng lakas si Diaz sa women's 59kg division sa Xiaoshan Sports Centre Gymnasium.

Nabigla si Diaz nang mapilitang sumali sa mas mabigat na weight class na nagresulta sa pagkabigo nitong makuha ang gintong medalya.

Nauna nang nabuhat ni Diaz ang 121kg at 126kg sa clean and jerk bago mabigong iangat ang 131kg sa huli niyang pagtatangka.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Naiuwi ni North Korean weightlifter Kim Ilgyong ang gintong medalya kung saan hawak na nito ang bagong Asian Games at world record sa snatch 111kg. category matapos buhatin ang kabuuang 246kg.