RENDON IS BACK!

Masayang ipinamalita ng social media personality na si Rendon Labador ang kaniyang pagbabalik sa Facebook nitong Oktubre 2 matapos burahin ng META ang kaniyang account noong Setyembre 7.

Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp

“I’m back!!! Namiss nyo ba ako? Kumusta kayong lahat, Pilipinas??? Lab lab muna tayong lahat, ayos ba? #LabLabLabador #StayMotivated,” saad ni Rendon sa kaniyang post.

“Sarap pala sa pakiramdam na nag bago na #LabLabLabador ❤️,” sey pa niya sa comment section. “Ang sarap pala mag mahal ❤️❤️❤️ #LabLabLabador."

Matatandaang noong nakaraang buwan kinumpirma mismo ng social media personality ang pagkawala ng kaniyang account.

Maki-Balita: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

Matapos mawala ang kaniyang Facebook, isa-isa nang nawawala ang social media accounts niya dahil maging ang kaniyang email daw ay burado na.

Maki-Balita: ‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin

Samantala, kamakailan lamang ay nag-sorry si Rendon kina Michael V at Vice Ganda nang makapanayam niya si Ogie Diaz sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires.”

Maki-Balita: Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp