Ibinahagi ng host na si Ryan Bang ang kaniyang naging karanasan bilang guest sa longest-running comedy show na “Bubble Gang” sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan.

Nabanggit kasi bigla ng kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Vhong Navarro ang tungkol sa pagsalang niya sa “Bubble Gang” matapos niyang ibahagi ang karanasan niya sa South Korea noong huli siyang pumunta roon.

“Noong nagpunta ako last week sa Korea, pati sa Korea bulol pa rin ako. Hirap na hirap pa rin ako,” kuwento ni Ryan.

“Pero ang maganda n’on, nag-guest ka sa Bubble Gang,” pasubali ni Vhong.

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

“Kumusta ang experience sa Bubble Gang?” tanong naman ni Kim Chiu.

Ani Ryan: “sobrang ano, maganda, syempre.”

“Ginalingan mo?”

“Ginalingan ko, syempre. Hindi tayo mapapahiya dyan. Alam mo, nagulat sina Kuya Bitoy. Alam mo bakit?”

“Bakit?” tanong nila.

“Ang daming takes. Lagi akong mali,” sabi niya. Nagtawanan tuloy ang kaniyang mga kapuwa host.

Dagdag pa ni Ryan, lagi raw napapakamot sa ulo ang mga direktor ng nasabing comedy show.

“Akala nila, magaling ako. Umabot ng take 11, take 12.”

Alo naman ni Vhong: “Magaling ka. Kinabahan ka lang.”

Matatandaang kamakailan ay flinex ng aktres na si Analyn Barro sa kaniyang Instagram story ang larawan nila ng mga kapuwa niya cast ng “Bubble Gang” na sina Paolo Contis at Kokoy De Santos kasama ang “It’s Showtime” host na si Ryan.