Parehong bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.

Base sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey nitong Lunes, Oktubre 2, 15 puntos ang ibinaba ng approval rating ni Marcos, mula 80% noong Hunyo ay naging 65% umano ito noong Setyembre.

Samantala, 11 puntos naman ang ibinaba ng approval rating ni Duterte, mula sa 84% noong Hunyo ay naging 73% naman umano ito noong buwan ng Setyembre.

Bukod dito, nakitaan din ng pagbaba ang trust rating ng dalawang top officials ng bansa sa naturang survey.

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

Mula 85% noong Hunyo ay naging 71% umano ang trust rating ni Marcos, habang mula 87% noong Hunyo ay naging 75% naman ang kay Dutetre noong Setyembre.

Isinagawa umano ang nasabing Pulse Asia survey mula Setyembre 10 hanggang 14, 2023.

https://balita.net.ph/2023/09/22/approval-at-trust-rating-nina-pbbm-vp-sara-bumaba/