Tila may bagong ipinapatayong bahay ang komedyanteng si Pokwang base sa ipinasilip niyang video sa kaniyang Instagram account nitong Sabado, Setyembre 30.

“Konti nalang!!!!!! raket pa more hhahahahaha 🙏🏼 #toGodbetheglory #buhaysinglemom,” pahayag ni Pokwang sa caption ng kaniyang post.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

View this post on Instagram

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Sey tuloy ng isang netizen: “Mamang! Grabe ka, masyado mong ginagalingan! Nangongolekta ka ba ng balur? Ikaw na talaga! The best ang single mom! Haha”

“@annettezki ganyan ako magalit bwahahahahha,” tugon naman ni Pokwang.

Dagdag pa ng komedyante: “@annettezki kapag inaapi ako at pinapaiyak ganyan ang nangyayare dumadami property ko hahahahahaa kaya sige lang go lang sila ng gow…”

Matatandaang noong Hunyo lang ay ipinakita rin niya sa publiko ang kaniyang ipinatayong summer house sa Mariveles, Bataan.

Samantala, kamakailan ay inamin ni Pokwang na mahirap umanong maging single mom.

Kasalukuyan siya ngayong hiwalay sa dating partner na si Lee O’ Brian. Sa katunayan, matagal na niya itong gustong ipa-deport sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Pokwang, hirap sa pagiging single mom

MAKI-BALITA: ‘Turuan ng leksyon!’ Pokwang ipapa-deport ex-partner na si Lee O’Brian – Balita