Sinariwa ng actress-TV host na si Jolina Magdangal sa kaniyang Instagram account noong Biyernes, Setyembre 29, ang kauna-unahan niyang nasamahang sitcom bilang cast member.

“Naalala ko nung una akong ma-isalang dito bilang saling pusang kapitbahay, takot na takot ako. Kasabay nun ay namangha, kinilig, nastarstruck, kinabahan. Naghalo-halo lahat yun maryosep. Ang galing nila lahat!!!!!!!!” kuwento ni Jolina sa caption ng kaniyang post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

View this post on Instagram

A post shared by Jolina Magdangal Escueta (@mariajolina_ig)

Dagdag pa niya, hindi umano naging madamot ang mga cast member na magturo sa mga dapat niyang gawin. Kaya naman, hindi nagtagal ay napamahal siya sa mga ito at itinuring na rin na parang totoong pamilya.

“Hanggang sa hindi ko namamalayan, nakikisabat na din ako ng adlib at naka ilang taon ko din silang pamilya.”

Sa huli, tinanong pa ni Jolina ang kaniyang mga follower kung sino pa ang nakakaalam o nakakaalala ng nasabing sitcom batay sa mga ibinahagi niyang larawan.

Narito ang mga komento ng ilang netizen:

“Abangan ang susunod na kabanata”

“Favorite ko yang sitcom na yan…gagaling nyo lahat 😍”

“Ofcourse Abangan ang susunod na kabanata! One of the best Filipino Comedy satire if not the best!”

“One of the best shows in the 90s! Abangan ang susunod na kabanata… 😍”

"This the best sitcom ever. Di na to magagawa ulit kase magagalit ang mga pulitiko.😂"

“One of the best ABS sitcom, Manay Barbara Tengco the Icon”

Ang “Abangan ang Susunod na Kabanata” ay isang political satire na sitcom na nagsimulang umere noong Enero 1991. Kasama ni Jolina sa nasabing sitcom ang mga artistang gaya nina Tessie Tomas, Noel Trinidad, Roderick Paulate, Nova Villa at iba pa.