Usap-usapan ang reaksiyon ng hunk actor na si Marco Gumabao sa tila pagpapahanap at pagtatanong-tanong ng singer na si David DiMuzio sa aktres na si Cristine Reyes, na girlfriend ng una.

Ayon sa social media post ni David, matagal na niyang na-meet si Cristine at aware siyang artista ito sa Pilipinas.

Kaya lang, nakalimutan daw niya ang pangalan, kaya nagpatulong siya sa netizens para malaman kung sino nga ba ito.

"Does anyone know this girl's name? I remember she was really nice when we met years ago, and she's an actress, but I can't remember her name," ani David.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kalakip ng kaniyang post ang lumang litrato nila ni Cristine.

Sa comment section, nagkomento rito ng isang emoji si Marco na para bang sinasabi niyang "Mine!"

Photo courtesy: David DiMuzio's FB via Fashion Pulis

Matatandaang magkarelasyon na nga sina Marco at Cristine na lalong umusbong nang magkasama sila sa pelikulang "Martyr or Murderer."