Sa pambihirang pagkakataon ay nakapanayam ni Ogie Diaz ang kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador sa kaniyang vlog na "Ogie Diaz Inspires."

Dito ay ipinaliwanag ni Rendon ang kaniyang sarili kung bakit naging "tungkulin" niya ang paninita sa mga celebrity, na aniya ay para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Humingi rin ng paumanhin si Rendon sa mga personalidad na nabanatan niya kagaya nina Michael V at Vice Ganda. Aniya, wala siyang masamang intensyon sa mga ito.

"I'm apologizing," ani Rendon.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"I'm trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Iyon din naman yung regret ko talaga. I'm trying to be better," pahayag niya.

"So kung nasaktan ko man kayo, kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V. I'm apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit. I'm thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas," paliwanag pa niya.

Matatandaang sinagot ni Rendon si Michael V nang magbigay ito ng saloobin hinggil sa content ng ilang social media influencers.

MAKI-BALITA: Rendon Labador nag-sorry na kina Coco Martin, Michael V

Panghuli nga, isa si Rendon sa mga nangalampag sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na patawan ng kaukulang aksiyon ang umano'y "indecent act" na ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa "Isip Bata" segment ng It's Showtime.

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’