Umabante na sa quarterfinals si Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam sa Men's Boxing 51-57kg. sa 19th Asian Games sa Hangzhou Gymnasium, China nitong Sabado.

Pinaluhod ni Paalam si Munarbek Seiitbek Uulu ng Kyrgyzstan.

Hazing, muling isinusulong na wakasan!

Dahil dito, umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na makakahablot ng medalya si Paalam.

Habang isinusulat ang balitang ito, pitong medalya pa lamang ang hinablot ng Pilipinas, kabilang na ang isang silver at anim na bronze. Wala pang gintong medalya ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon.