Binati ni Crisanta Cruz Gonzaga o mas kilala bilang “Mommy Pinty” ng “Happy Daughters’ Day” ang kaniyang dalawang anak na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kaniyang Instagram account kamakailan.

“Happy Daughters Day to our precious Celestine and Catherine! Both of you have been our pride, joy, and sunshine of our lives,” saad ni Mommy Pinty sa caption ng kaniyang post.

“Your dad and I are so grateful for having a loving, caring, generous, respectful , thoughtful , hardworking and most of all a God- fearing daughters🙏”

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Hiling pa ni Mommy Pinty, huwag umano silang magbabago dahil ang pagmamahal ng kaniyang dalawang unica hija ang kayamanang hinding-hindi masusukat.

“We love you very much and Godbless you and your family always🙏❤️” sabi pa niya.

Pero sa halip na magpasalamat, nagawa pang magtanong nang pabiro ng bunso niyang anak na si Alex. Narito ang komento nito sa post ng ina:

“Paki sagot muna bakit parati akong walang salawal nung bata?”

At dahil hindi naman tumugon si Mommy Pinty sa kaniyang anak, ang mga netizen na tuloy ang nagbigay ng kani-kanilang espekulasyon para masagot ang tanong ni Alex.

“@cathygonzaga suot suot pa kasi ni ms.toni😂wala pa siyanG napaglumaan 😜🤣”

“@cathygonzaga baka pala tae ka Po ate Alex😅”

"@cathygonzaga haha, baka po ndi pa kasya sayo ung mga short ni Ms. Toni po malalaglag din daw po kasi. Hahahhaa. Char. #damitniatedamitnibunso"

“@cathygonzaga baka pinatutuyo pa ang catcha, tatahiin pa para salawal mo, kasi gusto mo daw palagi mahangin sa baba non😍”

"@cathygonzaga ampon ka po kase"

“@cathygonzaga palaihi ka daw”

"uso na ata oversized non ag kaya dina need ng salawal HAHHAHAHAHAHAH"

"@cathygonzaga hahahahaha. Kasya pa daw po ksi kay Ate Toni e. Pag di na kasya, ipapamana daw po sana🤣"

Samantala, walang komento ang panganay na anak na si Toni kaugnay sa nasabing post.