Maingat si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagpili ng panibagong kalihim ng Department of Agriculture (DA), ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Naiintindihan naman aniya ng Pangulo na kailangan niyang magtalaga ng "regular" na DA secretary sa gitna ng mga problema sa sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Bersamin, hindi niya alam ang nais ng Pangulo na magiging kapalit nito bilang kalihim ng ahensya. Gayunman, naniniwala siya na may listahan ng mga kandidato para sa nasabing puwesto.

"Matagal na iniisip niya iyan. Meron ding nagsasabi na panahon nang ibigay niya sa iba at mag-concentrate na lang siya sa mga ibang pangangailangan ng bayan," ani Bersamin.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Bukod dito, pinag-aaralan din ni Marcos ang payo sa kanya na manatili muna sa pagiging kalihim ng DA.

“Sa dami ng problema diyan sa agrikultura kailangan talagang presidente ang humawak dun sa ngayon sa kalagitnaan ng mga issue na ito. Kailangan mas malaking authority kagaya niya,” anang opisyal. 

“Sa aking tingin, mas matimbang ‘yung mga nagsasabi sa kanya na he should still be there,” dagdag pa ni Bersamin.

 

PNA