Iniharap na sa Commission on Elections (Comelec) ang mga petisyong i-disqualify ang 35 kandidato sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

"Hindi po nagbibiro ang Comelec sa pagpapatupad ng election laws. This is the start. Makakaasa po kayo na next week... marami pa pong masasampahan ng kaso," ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Nauna nang sinabi ng Comelec na posibleng maisampa ang 199 reklamo laban sa mga kandidatong maagang nangampanya.

Kamakailan, nagbabala ang Comelec dahil hindi pa panahon ng kampanya. 

Magsisimula ang campaign period sa Oktubre 19-28, ayon pa sa Comelec.

PNA