Nagpatrolya muli ang missile frigate na BRP Antonio Luna sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pahayag ng Philippine Navy (PN) nitong Huwebes, kasama sa naglunsad ng joint maritime patrol si Western Command (Wescom) chief Vice Adm. Alberto Carlos.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang grupo ni Carlos sa mga isla ng Pagasa, Parola, Likas at Lawak nitong Setyembre 22.

Paglilinaw ng PN, madalas silang nagsasagawa ng naval at air patrol upang mabantayan ang mga pumapasok na dayuhang barko sa WPS.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Hindi na isinapubliko ng PN ang schedule ng pagpapatrolya dahil sa banta sa kanilang seguridad.

Kamakailan, binalaan ng China ang Pilipinas na "huwag mag-udyok ng away" matapos tanggalin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na inilagay ng China Coast Guard sa bahagi ng Scarborough Shoal kamakailan.