Bahagyang kumalma ang Bulkang Taal matapos ang ilang araw na pagbuga ng smog (vog) na nakaapekto sa ilang lugar sa Batangas kamakailan.

Walang naitalang pagyanig ng bulkan sa nakaraang 24 oras, ayon na rin sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Setyembre 28.

Huling nagbuga ng 2,390 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Setyembre 26 kasunod na rin ng upwelling ng volcanic fluids sa Main Crater Lake na nagdulot ng vog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot naman sa 3,000 metrong taas ang pagsingaw ng bulkan at ito ay ipinadpad sa timog-silangan at timog-kanluran.

Inabisuhan din ng Phivolcs ang publiko na bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures dahil sa nakaambang pagputok nito at pagbuga ng nakalalasong usok.