Nagbahagi ang Masungi Georeserve ng kamangha-manghang mga larawan ng paruparong “Pava dart” o “Yellow dart,” isang native species na matatagpuan din umano sa ilan pang mga bansa sa Asya.

Sa isang Facebook post ng Masungi, makikita ang tila marahang pagdapo ng Pava dart sa isang kulay dilaw na bulaklak.

“This Pava dart or Yellow dart (𝑃𝑜𝑡𝑎𝑛𝑡ℎ𝑢𝑠 𝑝𝑎𝑣𝑎), like other butterflies, plays an important role in the ecosystem as pollinators by transferring pollen from one flower to another, while feeding on nectar,” anang Masungi.

“The vibrant Pava dart is a native species found in Southeast Asia, and its presence serves as a reminder for us to take care of our natural environment and protect these delicate creatures,” dagdag pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.

‘Green birds,' nagmistulang mga ‘dahon’ sa isang punong-kahoy sa Masungi

Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang Masungi ng ilang green birds, na may pangalang “Rufous-crowned Bee-eater,” na nagmistulang mga dahon sa dinapuan nilang punong-kahoy.