Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motions for reconsideration na isinumite ng “It's Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw sa noontime show.
Ayon sa MTRCB nitong Huwebes, Setyembre 28, isang resolusyon umano ang inilabas ng ahensya kung saan tinatanggihan nito ang motions for reconsideration (MR) na inihain ng GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation.
“Said MRs sought relief from the Board’s ruling dated August 17, 2023, regarding the July 25, 2023 episode of the live noontime television program “It’s Showtime!” Specifically, during the show’s “Isip Bata” segment, in which hosts Ryan Bang, Vice Ganda at Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of children, which is alleged to have violated Section 3 © of Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations,” nakasaad sa sulat.
“In view of which, the Board’s decision dated 17 August 2023 is affirmed,” dagdag pa.
Matatandaang nagpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa It’s Showtime dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.
MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB
Ilang araw matapos iaununsyo ng MTRCB desisyon, inihayag naman ng ABS-CBN at It’s Showtime na maghahain sila ng motion for reconsideration dahil naniniwala raw silang wala silang nilabag na batas.
MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB
Sa isinagawa namang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27, nilinaw ni MTRCB chair Lala Sotto na hindi siya sumali sa botohan ng board hinggil sa naturang desisyon sa It’s Showtime.
MAKI-BALITA: Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows
Bukod dito, isiniwalat din ng MTRCB chair na marami umanong mga tao ang nagbigay ng suhestiyon sa kanila na dapat kanselahin ang It’s Showtime, at hindi lamang patawan ng 12 airing days suspension.
MAKI-BALITA: Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’