Naghandog ng madamdaming mensahe ang award-winning actress na si Dolly De Leon sa Instagram account niya para sa kaniyang “A Very Good Girl” co-star na si Kathryn Bernardo.

“My very good girl, we’re about to reach the finish line of this insane journey and the sepanx is slowly creeping in,” saad ni Dolly sa caption ng kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by Dolly de Leon (@dollyedeleon)

Lubos ang pasasalamat ni Dolly sa kabutihan ni Kathryn sa kaniya. Lagi umano itong nasa tabi niya, sinusubaybayan siya, sinusuportahan sa ibang proyekto, at higit sa lahat, ipinaparamdam sa kaniya ang comfort sa mga sitwasyong hindi niya nakasanayan.

“Many things are good and great about our film but you were the best “surprise!” of them all.”

Idinaan naman ni Kathryn sa biro ang tugon sa mensahe ni Dolly:

“Ms d! 🥹 baka matulak kita ng mas malakas nyan… huhu stop it”

MAKI-BALITA: Dolly ‘natumba’ nang maitulak ni Kathryn: ‘Joke lang ‘yon?’

Hindi tuloy napigilan ng netizens na magbahagi ng kanilang reaksiyon sa tugong ito ni Kathryn. Narito ang kanilang mga komento:

"@bernardokath HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA ANG TAWA KO"

"@bernardokath naurrrr 😭"

"@bernardokath LARO HAHAHAHAHAHHAA"

"@bernardokath BWESIT KATRENG SHHSSHSHSHSHSHSHHSHS MAIYAK NA KAMI DITO TAS GUMAGANYAN KA PA 😭😭😭😭😭"

"@bernardokath Joke lng kasi un kath 😂😂"

Matatandaang noong Abril ay nagpahayag si Dolly ng excitement na makatrabaho si Kathryn dahil galing na galing umano siya sa aktres.

MAKI-BALITA: Dolly de Leon, excited nang makatrabaho si Kathryn: ‘Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya’ – Balita