Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Dinakma ng mga awtoridad ang dalawang babaeng Singaporean dahil sa pagpupuslit ng mahigit sa 76 milyong cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang dalawang suspek na sina Siti Aishah Awang, 63, at Nur Alavuyah Binti Hanaffe, 39.

Kababa lamang ng dalawang suspek sa Qatar Airways Flight QR 928 mula sa Singapore nang maharang ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA-Terminal 3 dakong 1:00 ng madaling araw.'

Kumpiskado mula sa dalawang dayuhan ang 14,360 gramo ng pinaghihinalaang cocaine.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Drug Act of 2002) at Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). 

PNA