Inamin ng "The Iron Heart" star na si Jake Cuenca na ang Kapamilya actress at ang nali-link sa kaniya na si Chie Filomeno ang "TOTGA" o "The One That Got Away" sa buhay niya.

Sa panayam ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori, sinabi ni Jake na "in so many ways," si Chie nga ang TOTGA pagdating sa kaniyang lovelife.

Matagal na pala silang nag-date ni Chie bago pa man mapansin ng mga netizen ang lagi niyang pagla-like sa mga post nito sa social media.

"In so many ways, she's kinda like the one that got away for me... kasi we dated na before. A long time ago..." pag-amin ni Jake.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"She was in Showtime already, she was already dancing in Showtime," pagbanggit ng aktor sa noontime show na "It's Showtime."

Naging bahagi si Chie ng kontrobersyal na all-female group na "GirlTrends" sa nabanggit na noontime show. Kontrobersyal dahil naging trending sila sa hindi sabay-sabay na dance steps, gayundin ang tila sigalot sa pagitan nina Chie at dati pang miyembro nito na si Dawn Chang.

Going back to Jake and Chie, dapat daw ay aalis na kaagad siya sa ginanap na Christmas Ball ng Star Magic matapos lamang makapagbigay-respeto sa ABS-CBN executives.

"I went up to her, naglakas-loob ako. It was during the Christmas Ball in Star Magic...Then I saw her, so I stayed," pagkukuwento pa ng aktor.

MAKI-BALITA: Jake Cuenca bet si Chie Filomeno?

Dapat daw ay aalis na kaagad siya sa Ball subalit nang makita niya si Chie ay pinili niyang manatili.

Matatandaang kamakailan lamang ay naungkat ng mga netizen ang naging pag-comfort noon ni Chie sa ex-girlfriend ni Jake na si Kylie Versoza, nang maiyak ito dahil sa sundot na tanong ni Vice Ganda, habang sila ay parehong guest hurados sa "Showtime Sexy Babe" ng "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Pag-comfort ni Chie kay Kylie noon, kinalkal daw matapos amining nasa dating stage sila ni Jake

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Chie hinggil dito.