Pinrank ng magkapatid na Niana Guerrero at Ranz Kyle Guerrero ang dalawang anak ni Melai Cantiveros-Francisco na sina Mela at Stella sa latest vlog ni Niana nitong Linggo, Setyembre 24.

Ang siste, palalabasin nila na pupuntang abroad sina Melai at Jason at ipapaampon muna ang kanilang dalawang anak sa Guererro family. Pero bago ‘yan, humingi muna siyempre ng permiso sina Niana at Ranz sa mag-asawa bago gawin ang nasabing prank.

Pumayag naman sina Jason at Melai. Pero babala nila sa magkapatid, galingan daw. Wise kasi ang dalawa nilang anak. Hindi madaling mapaniwala.

At tila tama ang mag-asawa. Nakaramdam sina Mela at Stella na parang pina-prank lang sila ng magkapatid na Niana at Ranz.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya nang tawagan ni Mela ang kaniyang dalawang anak, masaya pa ang mga ito na aalis silang mag-asawa.

Ang sey tuloy niya: “Itong mga batang 'to talagang kailangan talaga nito i-rehab 'tong mga 'to. Okay lang sa kanila na iwan sila nang 30 days”.

Pero kaya pala ganoon ang reaksiyon ng dalawa, pinrank din pala nito ang kanilang magulang.

“Sinabi ko kay Stella, i-prank natin sila. Kunwari okay sa amin [na iwan]...para ma-prank namin kayo,” paliwanag ni Mela.

Talagang non-stop ang hatid na good vibes nina Melai. Matatandaang kamakailan lang ay kinaaliwan din ng netizens ang kanilang “Super Bass” challenge.

MAKI-BALITA: ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens! – Balita

&pp=ygURYW1wb24gcHJhbmsgbmlhbmE%3D