Inamin ni "Outstanding Asian Star" Kathryn Bernardo na nahirapan siyang katrabaho ang batikan at award-winning actress na si Dolly De Leon, sa kanilang kauna-unahang pelikulang "A Very Good Girl."

May attitude ba si Dolly?

Hindi, dahil ang dahilan daw nito ay sobrang galing daw ng kauna-unang Pinay nominee ng Golden Globes Awards dahil sa pelikulang "Triangle of Sadness."

Na-pressure daw si Kathryn na makipagsabayan dito kaya naman talagang ginalingan niya. Sey naman ni Dolly, noong una raw ay na-intimidate siya kay Kath dahil noong hindi pa sila nagkakasama ay husay na husay siya rito, kahit itanong pa raw sa mga anak niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Dolly de Leon, excited nang makatrabaho si Kathryn: ‘Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya’

Sa media conference nga ng pelikula na ginanap sa ABS-CBN noong Agosto, sinabi ni Dolly na nang malaman niyang si Kathryn ang makakasama niya sa inihahaing proyekto sa kaniya, "G" na agad ang sagot niya.

MAKI-BALITA: Dolly ‘G’ agad kay Kathryn; ibinunyag mga gusto pang makatrabahong artista

Dahil dito ay bahagyang naitulak ni Kathryn si Dolly na naging dahilan para mapatibuwal ang aktres. Gulat na gulat naman sa mga nangyari si Kath at agad na inalalayan ang co-star sa pelikula.

"Oh my God! Miss D! Joke lang 'yon! Joke lang 'yon?" tanong ni Kathryn.

"Joke lang 'yon," natatawang sabi ni Dolly at naupo na ulit.

Biro ni Kath, kinakabahan na siya sa magiging headline ng isang lokal na pahayagan.

"Kathryn tinulak si Miss Dolly," hirit ni Kathryn.

"Nasaktan si Miss Dolly na-injured," segunda naman ni Dolly.

Mapapanood ang kabuuan ng lie detector test drinking game vlog sa "Rec. Create" YouTube channel.

MAKI-BALITA: Dolly ‘natumba’ nang maitulak ni Kathryn: ‘Joke lang ‘yon?’