Kinondena ng Akbayan Party ang paglalagay ng China ng floating barriers sa Panatag Shoal.

"Sa mga resort lang natin nakikita ang ganitong mga barrier. China, hindi ninyo resort ang Pilipinas! Kung hindi tanggalin ng China ang inilagay nilang harang, dapat umaksyon ang gobyerno ng Pilipinas para tayo na mismo ang magtanggal," saad ni Akbayan Party President Rafaela David

National

Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025

"While we welcome the rescue of two Filipino fishermen by the Chinese military, the Chinese embassy cannot use this as a smokescreen for their continued aggression. Hindi nito mabubura ang pangha-harass nila sa daan-daang Pilipinong mangingisda na pinahihirapan pa nila na mapayapang isagawa ang kanilang hanapbuhay," dagdag pa ni David.

Sa ulat ng PCG nitong Linggo, Setyembre 24, natuklasan umano ang 300 metrong floating barrier nang magsagawa ng maritime patrol ang mga tauhan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa binisidad ng Panatag Shoal noong Biyernes, Setyembre 22.

MAKI-BALITA: China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

Muling nanawagan ang Akbayan sa gobyerno ng Pilipinas na maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly.

"This latest act is a clear violation of the ruling of the Permanent Court of Arbitration in The Hague. Dagdag lamang ito sa napakarami nang insidente ng bullying sa ating Philippine Coast Guard vessels at mga mangingisda, at sa paninira nila sa ating coral reefs at yamang dagat. We need to stand up against China's harassment of our people and destruction of our environment,” saad ni David.