Binigyang-pagkilala ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ang mga tauhan nito na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pahayag ng PCG, malaki ang ginagampanang papel ng mga tauhan nitong nakatalaga sa WPS, partikular na sa Coast Guard Station Kalayaan Island Group (KIG) upang maidepensa ang sovereign rights ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Paliwanag naman ni CG District Palawan commander, Capt. Dennis Rem Labay, ang natanggap nilang "Award of Coast Guard Bronze Cross Medal and Ribbon" ay simbolo ng kanilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa bayan, sa kabila ng panganib at sakripisyo.

Kamakailan, nakaranas na naman ng pambu-bully ang mga tauhan ng Coast Guard nang tangkaing harangin ng mga barko ng China CG at Chinese maritime militia ang kanilang grupo habang sila ay nagsasagawa ng rotation at resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa kabila nito, naisakatuparan pa rin ng mga tauhan PCG ang kanilang RoRe mission na nagdulot ng panganib sa kanilang buhay.