Laugh trip ang hatid ng dating ABS-CBN news anchor Ces Oreña-Drilon matapos mag-trending sa X ang "Stress Drilon" dahil sa kaniyang advertisement ng isang milk tea brand.

Photo courtesy: X

Hindi makapaniwala ang mga netizen na makikita nila ang ibang side ni Ces na mas nakilala at tumatak bilang kagalang-galang at glamorosang newscaster. "New era of Ces Drilon" na nga raw, sey ng netizens.

Nagsimula ang commercial sa pag-inom ni Ces ng kape bago pumasok sa trabaho. Ngunit ibinuga niya ang ininom na likido nang mapag-alamang asin pala ang inilagay niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumunod naman, nang aalis na siya ay nakita niya ang maraming pako sa semento na malapit sa gulong ng kaniyang sasakyan. Mabuti na lamang daw at hindi niya nagulungan. Subalit nang makita niya ang gulong, martilyo pala ang nakabaon dito.

Nang mag-commute na lamang siya ay bigla namang umulan kaya inilabas niya ang payong. Subalit isang rumaragasang sasakyan ang dumaan at natalsikan siya ng putik sa katawan.

Panghuli, pagpasok niya sa trabaho ay sarado pala ito dahil araw ng Linggo.

Natawa naman ang mga netizen dahil sa tuwing nangyayari ito, naging stress reliever ni Ces ang paghampas sa malaking milk tea sa labas ng shop, habang nagmumura.

Sa kaniyang Instagram post ay nagpasalamat naman si Ces sa magandang feedback ng netizens sa kaniyang endorsement.

"Masaya ako na napasaya ko kayo sa aking pinagdaanang #stressdrilon," caption ni Ces.

Nagkomento naman dito ang mga kasamahan sa pamamahayag.

"Hahahahaha," reaksiyon ni Korina Sanchez-Roxas. Ganito rin ang reaksiyon ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

"Hahahaha I can't stop laughing!!! 😂 for the win! congrats @cesdrilon 👏🏼👏🏼👏🏼," komento naman ni Karen Davila.

Pahayag naman ng dating Kapamilya-turned-Kapuso TV host na si Kuya Kim Atienza, "Hahahahahahah gigil is the best."

"So funny!!!! Laveeeet 😂," bulalas ni Zen Hernandez.

https://twitter.com/ecarlojohn/status/1705287124390641748

Hindi ito ang unang beses na sumabak sa aktingan si Ces. Noong 2016 ay kabilang siya sa pelikulang "My Candidate" at noong 2004 naman ay kabilang sa "Mano Po III: My Love."