Posible raw na magkaroon ng "balasahan" o scheduling ng kasalukuyang hosts ng noontime show na "Eat Bulaga!" na umeere sa GMA Network.

Ayon sa ulat ng PEP Troika, natsika sila ng isang impormante na bagama't wala raw tanggalang magaganap, subalit magkakaroon naman ng "balasahan" sa schedule ng hosts.

Ang siste kasi, ang ibang hosts daw ay hindi na uubra sa daily hosting dahil may tinanggap na ibang proyekto gaya ng serye.

Hindi naman tinukoy kung sino-sino ang mga ito, subalit ang hindi raw dapat mawala mula Lunes hanggang Sabado ay ang frontline hosts na sina Paolo Contis at Yorme Isko Moreno. Si Isko ay kabilang sa seryeng "Black Rider" at si Paolo naman ay may ganap din naman sa "Bubble Gang" na nag-iba na ng format. Kasama rin sa nabanggit na gag show si Betong Sumaya.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Kung hindi naman serye, ang ilan sa mga host nila ay host naman ng reality show gaya ng "Running Man Philippines."

Kasama sa RMP sina Buboy Villar, Kokoy De Santos, at Glaiza De Castro.