Usap-usapan ang video clip nina "A Very Good Girl" stars Kathryn Bernardo at Dolly De Leon kung saan makikitang natumba sa kaniyang kinauupuan ang huli matapos na pabirong maitulak ng una.

Nagsagawa ng "Lie Detector Drinking Game" ang dalawa para sa isa't isa kung saan kailangan nilang sagutin ang mga tanong na mabubunot nila.

Nang matanong si Dolly kung para sa kaniya ay good actress si Kathryn, yes ang sagot niya rito.

Kahit daw tanungin ni Kathryn ang mga anak niya, lahat sila ay magsasabing bilib si Dolly kay Kathryn.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito ay pabirong itinulak ni Kathryn si Dolly subalit tuluyang natumba ang beteranang aktres. Agad namang tumayo si Kathryn upang saklolohan si Dolly.

"Oh my God! Miss D! Joke lang 'yon! Joke lang 'yon?" tanong ni Kathryn.

"Joke lang 'yon," natatawang sabi ni Dolly at naupo na ulit.

Biro ni Kath, kinakabahan na siya sa magiging headline ng isang lokal na pahayagan.

"Kathryn tinulak si Miss Dolly," hirit ni Kathryn.

"Nasaktan si Miss Dolly na-injured," segunda naman ni Dolly.

Ang nabanggit na challenge ay mapapanood sa YouTube channel ng "Rec. Create."