National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Handa na ang mga ospital sa Region 4A o sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (Calabarzon) upang tumugon sa mga emergency situation kasunod na rin ng pagbuga ng smog ng Bulkang Taal.

Ito ay nang isailalim ng Department of Health (DOH) sa code white alert status ang mga pagamutan sa rehiyon.

Inilabas ng DOH ang hakbang matapos maalarma sa idinadaing ng mga residente sa kanilang kalusugan na resulta ng ibinugang smog ng bulkan.

Nauna nang naiulat na binalot na ng smog ang Cavite at Batangas bunsod ng pinapakawalang sulfur dioxide ng bulkan.

Nasa 26 lugar na sa Batangas ang apektado nito.

Sa kabila nito, nanindigan si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Amor Calayan na hindi a kailangang ilikas ang mga residente dahil nasa Level 1 pa lamang ang alert status ng bulkan.