National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Binalaan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic ang publiko laban sa isang indibidwal na gumagamit ng pekeng social media account ng isang empleyado ng ahensya upang makapangotong.

Sa pahayag ng BOC, ginagamit ng nasabing indibidwal ang pinekeng Facebook account ng kanilang empleyadong si Felicia Recarte upang manloko sa pamamagitan ng pangingikil.

"We would like to clarify that the Port of Subic strictly adheres to official communication channels and does not utilize personal Facebook accounts for any official transactions or interactions with the public," pagbibigay-diin ng BOC.

Hindi na ipinaliwanag ng ahensya kung ilan na ang nabiktima ng nasabing scammer.

"To ensure the legitimacy of your inquiries, concerns, or transactions, please reach out to us through our official email or contact our Customer Care Center. We are committed to providing accurate information and exceptional service to our valued clients," pahayag pa ng ahensya.