May 21, 2026

Home BALITA National

Pagtanggal ng VAT sa system loss charges sa electricity bills, inihain ni Sen. Risa

Pagtanggal ng VAT sa system loss charges sa electricity bills, inihain ni Sen. Risa
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB, via MB


Ibinahagi ni Sen. Risa Hontiveros na nagsumite siya ng isang panukalang-batas na naglalayong tanggalin ang value-added tax (VAT) sa system loss charges na siyang ipinapapasan sa mga konsyumer sa pamamagitan ng kanilang buwanang bill ng kuryente.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Sen. Risa sa kaniyang official at verified page nitong Lunes, Mayo 4, iginiit niyang dapat nang tanggalin ang VAT sa system loss sapagkat aniya, pasakit at insulto raw ito sa mga konsyumer.

“Dapat TANGGALIN NA ang VAT sa systems loss sa bill ng kuryente!” saad ni Sen. Risa sa kaniyang post.

Aniya, “I filed a bill to remove the value-added tax (VAT) on systems loss charges currently being passed on to consumers’ monthly electricity bills.”

“Itong VAT sa systems loss ay dobleng pasakit at insulto: Pinagbabayad na nga tayo ng systems loss na hindi natin napakinabangan, tapos pagbabayarin pa tayo ng buwis dito,” dagdag pa niya.

Diin pa ng mambabatas, nararapat daw na tapusin na ang aniya’y “unfair arrangement” kaugnay sa monthly electricity bills.

“We must immediately end this unfair arrangement, especially now that electricity costs are going up,” anang mambabatas.

Sa usaping kuryente, matatandaang nagkomento naman si Sen. Bam Aquino hinggil sa “lifeline rate,” isang “subsidized electricity rate” na binuo para sa mga konsyumer na nakapaloob sa “low-income household.”

Aniya, kuhain na lamang sana sa national budget ang pondo nito, at huwag nang ipapasan pa sa ibang mga power consumers. 

MAKI-BALITA: Sen. Bam Aquino: Subsidiya para sa kuryente, kuhanin sa national budget hindi sa konsyumer-Balita