Maglalaro na sa Philippine Basketball Association (PBA) si dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Ricci Rivero.

Si Rivero ay kinuha ng Phoenix Super LPG Fuel Masters at ika-17 napiling papasok sa pro-league sa isinagawang PBA Rookie Draft sa Market! Market! Taguig City noong Linggo ng hapon, Setyembre 17.

"With the 5th pick of the 2nd round, Phoenix Super LPG Fuelmasters select Ricci Rivero," makikita sa opisyal na Facebook page ng PBA.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naging bahagi rin si Rivero ng koponang De La Salle University nang kamkami ang kampeonato noong 2016 at University of the Philippines (UP) squad na nanalo sa UAAP Season 84.

Sa nasabing Rookie Draft, napili ng Terrafirma si Stephen Holt bilang No. 1 overall.

Dating naglaro si Holt sa NBA G League at European leagues.

Ikalawa si Christian David na napili ng Blackwater habang ang ikatlo ay si Luis Villegas na hinatak ng Rain or Shine.

Pero ang bashers, hindi pa rin daw tinantanan si Ricci.

Sa opisyal na social media page kasi ng PBA kung saan makikita ang photos at videos ni Ricci ay pinagpiyestahan ito ng bashers na panay pintas sa kaniyang suot na outfit.

Para daw kasi siyang dadalo sa Star Magic Ball, eme ng ilang netizen.

Ngunit ang mas marami, ang pag-ungkat sa isyu ng "ex-boyfriend" ni Kapamilya star Andrea Brillantes na hindi umano nagpapa-laundry sa loob ng isang taon.

Bagama't wala namang pinangalanan si Blythe, si Ricci ang "natamaan ng bola" dahil siya ang recent ex nito, at isa pa, mainit-init pa ang isyu ng hiwalayan nila, na obviously ay hindi naging maganda.

Narito ang ilan sa mga pasaring ng netizens:

"LAUNDRY DAY"

"Wow bagong laba na ah"

"Nalabhan na kayao 'yon?"

"bagong laba ah, kintab..."

"The Laundry man!"

"Mas maraming lalabhang damit kasi magiging busy na siya haha."

Samantala, wala namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ricci tungkol dito.

MAKI-BALITA: PBA Rookie Draft: Ricci Rivero, hinatak ng Phoenix Fuel Masters

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens