Nailigtas ng Philippine Navy (PN) ang isang mangingisdang Pinoy nang masugatan sa propeller ng kanilang fishing boat sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) sa Palawan kamakailan.

Sa Facebook post ng PN, nagsasagawa ng maritime at sovereignty mission ang mga tauhan nito sakay ng BRP Antonio Luna sa WPS nang matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente nitong Setyembre 17.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Dahil dito, nagsagawa kaagad ng rescue operation ang mga ito at nasagip ang mangingisdang si Sonny Agting, 46, sakay ng FFB Camano 1 dahil sa malalang sugat sa kanyang binti.

"Despite our distance from the distressed fishing boat, we acted as fast as we could to provide immediate assistance to the injured Filipino fisherman," pahayag ni PN Captain Clyde Domingo.

Ligtas na at nasa maayos na kalagayan si Agting, dagdag pa ng PN.