Ibinahagi ng model at social media personality na si Pau Fajardo ang kaniyang mga kuhang larawan sa Thailand nitong Lunes, Setyembre 18.

Napukaw naman ang atensiyon ng netizens dahil natagpuan na raw yata ni Pau ang kaniyang lovelife sa nasabing bansa batay sa isa mga larawang ibinahagi niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by Pauline Fajardo (@_paufajardo)

Tila ibinuking din kasi siya ng kaniyang kapuwa model na si RR Enriquez sa naging komento nito sa kaniyang post.

“Hindi pa tayo nag abot🤪 And hurray sa new love life😍❤️👏” saad ni RR.

Ang sey tuloy ng netizens:

“Sana nag abot kayo Miss RR para ma ichika niyo sa amin, charot lang po 😂”

“Ito talaga si miss RR since supportive ki Pau😍”

“invite nyu nmn sya SA vlog nyu..”

“mam Rr baka po pwede nyo kami eh chikka sa new bf ni ms pau hehe love you Ms. Rr”

“dasurv po niya mii ❤️”

“diba happy na tayo😬😬🥰🥰”

“grabe naiyak kami sa tuwa, deserve niya tlga mging masaya. Isa siyang disenteng babae at edukada❤️”

Matatandaang na-trauma umano si Pau matapos makipagrelasyon sa basketbolistang si Scottie Thompson.

Kasalukuyan nang kasal ngayon si Scottie kay Jinky Serrano na kapanganganak lang kamakailan.

MAKI-BALITA: Pau Fajardo, na-trauma makipagrelasyon sa basketball player: ‘Hindi na talaga! Wag na po!’