MULANAY, Quezon — Patay nang makuryente ang 45-anyos na magsasaka habang sugatan naman ang kaniyang pamangkin sa Barangay Mangahan dito.

Sa ulat ng Mulanay police, kinilala ang biktimang si Edwin Pereyra, at ang sugatan na si Angelo Gacula, binataa, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pagsisiyasat, papuntang palayan si Pereyra at karga ang bakal na pang-araro. Subalit aksidenteng sumabit ang bakal sa nakalawit ng electric wire at nakuryente.

Tinulungan ni Gacula ang tiyuhin kung kaya pareho silang nakuryente.

Isinugod sila sa isang klinika at doon idineklarang patay si Pereyra habang ginagamot at pinalad na nakaligtas si Gacula.