Inaasahang iiral at magdudulot ng mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Setyembre 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, ibinahagi ni Weather Specialis Grace Castañeda na malaki ang tiyansang magdudulot ang ITCZ ng mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa ilang bahagi ng Mindanao, partikular na sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

“Mag-ingat pa rin po para sa ating mga kababayan sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa,” ani Castañeda.

Samantala, inaasahan umano ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may posibilidad na isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng ITCZ at localized thunderstorms.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Wala naman umanong binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine are of responsibility (PAR).

Gayunpaman, may posibilidad pa rin daw na may mabuong LPA sa loob ng PAR sa mga susunod na araw.