Ipinaliwanag ng American singer-rapper na si "Doja Cat" kung bakit "Balut" ang ipinangalan niya sa bagong awitin.

Sa kaniyang Instagram story noong Sabado, Setyembre 16, naisipan daw niya itong ipangalan sa isa sa mga sikat na Pinoy street food dahil ganito ang nais niyang simbolo ng "toxicity" sa X, bagong tawag sa social media platform na "Twitter."

"i named the song 'balut' because it signifies a bird that's being eaten alive. It's a metaphor for Twitter stans and the death of Twitter toxicity. The beginning of 'X' and the end of 'tweets'," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Doja Cat's IG story

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Matatandaang ang lumang simbolo ng X ay isang ibon.

Si Doja Cat ay may Grammy award para sa awiting "Kiss Me More" kasama ang SZA, bilang Best Pop Duo/Group Performance. Ito ang kauna-unahang parangal nila sa nabanggit na award-giving body.