Kasado na sa darating na Setyembre 25 ang virtual oathtaking para sa bagong environmental planners ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Setyembre 18.
Ayon sa PRC, magaganap ang naturang online oathtaking dakong 2:00 ng hapon.
Pangungunahan umano ito ng PRC-San Fernando City, Pampanga sa pamamagitan ng Microsoft Teams o Zoom.
Pinapayuhan ang inductees na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng white backdrop (white physical o virtual background) sa buong seremonya ng oathtaking.
“Please secure an online appointment schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as a transaction,” anang PRC.
“The online registration will close five (5) calendar days before the virtual oathtaking day. Inductees are required to print the ‘OATH OF PROFESSIONAL’ form downloadable from the PRC official website under PRC Online Services,” dagdag pa nito.
Inabisuhan din ng PRC ang inductees na bisitahin ang kanilang website link para sa step-by-step procedure ng online oathtaking application system, maging ang link para naman sa kanilang registration at ceremony protocols.