Hindi kataka-takang isa sa mga bida sa tuwing may mahalagang okasyon sa buhay ng isang tao gaya ng binyag, kaarawan, o anibersaryo ay ang cake.

Hindi talaga nawawala iyan, para kasing hindi raw kompleto kapag walang cake na hihipan pa ang kandila nito at uusal ng wish.

Habang nananahimik lang naman ang cake dahil wala naman itong buhay, pero tila pinagkakatuwaan ito ng mga netizen dahil tila pinag-usbungan ito ng isyu, intriga, at kontrobersiya sa ilang showbiz personalities dito sa Pilipinas.

Siyempre, nariyan ang ilang buwan ding pinag-usapang pagpahid ng icing ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa mukha ng isang waiter, sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

MAKI-BALITA: Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar

Katakot-takot na batikos ang nangyari sa aktres hanggang sa humingi ng tawad sa publiko si Alex, para sa mga nasaling ang damdamin at naapektuhan sa mga nangyari.

Nagsabi na rin ang waiter na sinadya siya ni Alex at personal na humingi ng tawad sa kaniya.

MAKI-BALITA: Kaibigan ng pamilya Gonzaga, dinepensahan si Alex; may nilinaw tungkol sa server

Biro ni Alex, tila nagkaroon na siya ng trauma sa cake.

MAKI-BALITA: Alex nagtanda na; nag-mature na raw matapos durugin sa isyu ng pahid-icing

Nakakaloka dahil sa pangyayaring ito, naungkat ang naging komprontasyon nina Alex at batikang aktres na si Dina Bonnevie noong taping days daw nila, kung saan napagsabihan niya ang aktres.

MAKI-BALITA: ‘Ungkatan na naman?’ ‘Dina-Alex issue’, nabuhay na naman dahil sa birthday ni Dina Bonnevie

Sa kaarawan ni Dina, nagamit niya ang cake bilang "pasaring" na ito raw ay kinakain at hindi ipinapahid sa mukha.

MAKI-BALITA: ‘Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces!’ Dina, nagpatutsada kay Alex?

Habang isinusulat ang artikulong ito ay naka-move forward na ang mga tao, at in fairness, hindi na ito nababanggit ngayon.

Sumunod naman kasi ang isyung "indecent act" na ibinabato sa mag-jowang Vice Ganda at Ion Perez kamakailan dahil sa pagsubo ng icing nito sa kani-kanilang daliri, sa segment na "Isip Bata" ng noontime show na "It's Showtime."

Sinita sila ng social media personality na si Rendon Labador at kinalampag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol dito. Nilait pa niya ang ginawa ng mag-partner bilang "kahayupan."

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Nasa ilalim ang pangangasiwa ng MTRCB sa Tanggapan ng Pangulo ng bansa o Office of the President. Binubuo ito ng isang tagapangulo o chairman, isang pangalawang tagapangulo at 30 kasapi ng lupon, na uupo ng isang taon. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Sa kasalukuyan, ang MTRCB Chair ay si Lala Sotto-Antonio, anak ni dating senate president Tito Sotto III, na aktibo ngayon sa noontime show na “E.A.T.” na umeere sa TV5, kasama nina Vic Sotto, Joey De Leon, at iba pang hosts na tinatawag na “Legit Dabarkads.” Kilala sila sa tawag na “TVJ.”

Makalipas lamang ang ilang araw, inanunsyo ng MTRCB ang pagpapatawag nila sa producers ng It’s Showtime dahil dinagsa raw sila ng reklamo kaugnay nga sa pagkain ng icing ng magkasintahan sa national television. Bago kasi pumutok ang isyung ito, nag-warning sila sa noontime show dahil sa kinasangkutang “wardrobe malfunction” ng guest nilang si Regine Tolentino, nang sumayaw ito sa isang production number.

Noong Setyembre 4, 2023, lumabas na ang desisyon ng MTRCB na isuspinde ng 12 airing days ang noontime show, subalit may 15 araw na palugit ang ahensiya sa pamunuan ng show na umapela at maghain ng motion for reconsideration.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Sagot naman ng It’s Showtime at ABS-CBN, aapela sila dahil naniniwala silang walang nilabag na batas ang mga host gayundin ang programa.

MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB

Lumalabas na hindi lamang ang pagkain ng icing ang naging batayan ng MTRCB sa pagpataw ng suspensiyon sa It’s Showtime kundi marami pa, batay na rin sa inilabas nilang opisyal na pahayag.

Ngunit tila nagsanga-sanga na ang problema dahil noong Setyembre 11, isang grupo umano ng social media broadcasters ang nagsampa ng criminal case laban kina Vice Ganda at Ion Perez kaugnay pa rin ng isyung pagsubo ng cake ng icing sa segment na “Isip Bata” na nagtulak sa MTRCB upang kastiguhin ang nabanggit na noontime show.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’

Sa kasalukuyan ay abangers na ang lahat kung ano ang resulta ng motion for reconsideration ng pamunuan ng Kapamilya Network hinggil dito.

At panghuli, humabol pa, naisyu naman ang pagbitbit ng tinaguriang Movie Queen at Kapuso Star na si Bea Alonzo sa cake ng kapwa Kapuso star na si Kyline Alcantara, sa naging birthday celebration nito sa musical variety show na "All-Out Sundays" o AOS ng GMA Network tuwing Linggo ng tanghali.

Patutsada kasi ng mga netizen, hindi raw nakaka-Queen ang paghawak lang ni Bea sa cake, at ni hindi man lang daw siya tinulungan ng male hosts na sina Rayver Cruz at Mavy Legaspi na naroon ng mga sandaling iyon.

MAKI-BALITA: ‘Di nakaka-Movie Queen!’ Bea pinagbitbit lang daw ng cake sa AOS

Ayon naman kay "DJ Jhaiho" ng YouTube channel na "Marites University," eksklusibo niyang natanong si Bea tungkol dito.

Unang reply daw ni Bea sa kaniya ay "Hahahaha" meaning eh tinawanan lang nito ang isyu.

"Hahahaha. Ngayon ko lang nakita," ani Bea.

Mukhang hindi raw aware ang aktres na may ganito palang isyu sa kaniya.

Sabi raw ni Jhaiho, grabe ang mga tao ngayon dahil ultimo paghahawak niya ng cake sa GMA ay pinulaan pa.

"Hahaha. True. Naaawa kasi ako kay Kyline (Alcantara) na hindi niya mahawakan yung microphone niya kaya kinuha ko na lang yung cake para makapag-thank you naman siya sa mga sponsors niya."

MAKI-BALITA: Bea nagsalita sa isyung pinagbitbit lang siya ng cake ni Kyline

Pinuri naman nina Jhaiho at co-hosts ang naging pagsagot ni Bea, na nakaka-Queen daw.

Sa lumabas naman na tugon ni Kyline tungkol dito, sinabi niyang nahihiya siya para kay Bea dahil sa mga panlalait sa kaniya ng netizens. Hindi raw deserve ng "reyna" na makatanggap ng mga ganitong batikos mula sa mga tao.

Pahayag ni Kyline tungkol sa isyu na mababasa sa ulat ng PEP, "First of all po... well, I'm happy dahil nag-celebrate po ako ng birthday sa All Out Sundays, and that thing that happened during and after ay nagulat ako. Kasi, wala naman po yun sa intention na pagbuhatin ko si Ate Bea doon."

Dagdag pa niya, "Nakita ko naman po doon sa video na siya naman po yung... as in nag-effort si Ate Bea, and I'm so grateful for her. And, sana naman po, yung ibang tao, bago mag-judge or make comment, sana po panoorin muna nila yung buong video."

"Nahihiya ako na siya ang may hawak ng cake," giit pa ni Kyline.

So, abangan na lang natin kung magpapatuloy pa ba ang "sumpa" ng cake at baka may mga celebrity na namang maisyu na may kaugnayan dito. Sana nga wala na!