Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng tanghali, Setyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:12 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Llorente, Eastern Samar, na may lalim na 23 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - Tandag, Surigao del Sur
Intensity I - Quinapondan, Eastern Samar; Alangalang at Dulag, Leyte
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.