Nagbigay ng donasyong ₱1 milyon ang Pasig City government para sa mga naapektuhan ng bagyong Egay sa Cagayan.

Sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office, mismong ang dalawang tauhan ni Pasig Mayor Vico Sotto na sina Maria Lourdes Gonzales at Julius Obligado ang nag-abot ng tseke kay Cagayan Governor Manuel Mamba, sa Bangag, Sub-Capitol, Lal-lo, Cagayan nitong Setyembre 14.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Kasama ni Mamba sa pagtanggap ng tseke si Provincial Treasurer Mila Malonga.

Tiniyak naman ng gobernador na ipamamahagi nila ang nasabing tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa makikinabang sa nasabing tulong ang mga nawalan ng bahay dahil sa paghagupit ng bagyo nitong Hulyo.