Matapos pag-usapan online ang ₱1k weekly meal plan ni Neri Naig-Miranda, kaniya-kaniyang bersyon naman ang ilang netizens sa kanilang sariling ₱1k weekly meal plan.

Patok sa netizens ang ginawang weekly meal plan ng isang nagngangalang "Benj Ramos" na batay sa kaniyang profile ay segment producer ng award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho."

"Eto na ang aking (not so confidential) Weekly Meal Plan," aniya sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 14.

"Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week."

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

"Kung may sukli pa yan, pwedeng i-save sa bangko pero kung wala kang tiwala sa bank, pwede sa alkansya pero wag ka lalapit sa KMJS pag kinain ng anay o nasunog yan ha ayaw mo kasi magtiwala sa bank eh ikaw lang din naman may kasalanan bat ka nahahack kasi nagbibigay ka ng OTP sa scammer/hacker."

Isang Facebook page naman na may pangalang "Drinkers Club" ang gumawa rin ng weekly meal plan.

"Ito na ang Drinker's Club (sample) Weekly Meal Plan."

"So ang budget po na ito ay P1,000 lang. Kailangan lang dito ay diskarte at fasting. Ako po ay naniniwala na kung masipag at matyaga lang tayo ay mairaraos natin ang pagtaas ng bilihin."

"Bale may P14 pa pong sobra at the end of this week's budget. Pwede n'yo pong i-hulog sa alkansya at pagkatapos ng 1,000 weeks ay makapag-open ng stock market account sa COL Financial para maging investor na rin kayo hehe. Or pwede n'yo rin ibili ng stars at ibigay kay Neri Miranda tutal hiningan n'yo ng gulay."

Isa pang digital creator's page na "PGAG" ang naglabas naman ng kanilang sariling version.

"May sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o panlibre sa jowa (pero wala ka naman non)," mababasa sa caption.

Samantala, binura na ni Neri ang nabanggit na weekly meal plan subalit huli na ang lahat dahil pinutakti na ito sa social media.

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens

MAKI-BALITA: Neri binura ang inokray na ₱1k weekly meal plan 

To the rescue naman ang kaniyang mister na si Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda upang depensahan sa below the belt na bashers ang kaniyang misis.

MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri