Umabot pa sa 142 rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano mula nitong Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw.

Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), binanggit na tatlong beses pang yumanig ang bulkan, bukod pa ang tatlong pyroclastic density current (PDC) events.

Rumagasa pa rin ang lava nito hanggang 3.4 kilometro sa Bonga Gully, 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro sa Basud Gully.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 1,252 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Setyembre 15.

Nakitaan din ito ng pagsingaw ng usok na umabot sa 500 metrong taas bago tinangay ng hangin pa-kanluran-hilagang kanluran ng bulkan.

Ipinaiiral pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan at ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang-panghimpapawid sa ibabaw o malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibleng pagsabog nito.

Nananatili pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.