Sa kabila ng isyu at bashing na natanggap, tila nanatiling ‘unbothered’ ang dating Sexbomb Girls member na si Izzy Trazona-Aragon.

Matatandaang kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Izzy nang ibahagi niya ang kaniyang saloobin tungkol sa hindi umano niya pagtanggap sa anak na drag queen na si Sofia o Andrei Trazona.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo,” aniya sa isang Facebook post noong Setyembre 11.

“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Sa isang Facebook post noong Setyembre 14, tila patuloy niya lang pinanghahawakan ang pananampalatayang mayroon siya bilang isang Christian.

Aniya, marami raw ang nag-private message sa kaniya at nagpatotoo kung paano binago ng Diyos ang buhay ng mga ito.

“Thank you Lord for another day! For all the messages, sobrang daming nag pm, thank you with all my heart sa concern and prayers! And even testimonies of how the Lord worked and changed your lives! Sobrang daming encouraging messages! Marami pong salamat🙏🏼 Keep the faith! ❤️” saad ni Izzy.

Ngayon daw ay “amazingly at peace” siya dahil ang Panginoon ang kaniyang “shield.”

“I am amazingly at peace, the Lord is my shield! I am continously praying and full of hope 🙏🏼 I trust my Sovereign God! 🙌🏻 God bless po! 🥰"

Umani naman ng komento mula sa netizens ang naturang post. Marami ang humanga sa dating Sexbomb dancer dahil sa katatagan ng pananampalataya nito.

"Bilib ako sa ganitong mga tao... Yung handa silang panindigan si Lord anuman ang maging kapalit... 👍💯 Ps. Feeling ko tanggap naman siya eh... Pagsasayaw niya, pagtitiktok nya, gender preference nya. Yung pagiging drag lang siguro talaga ang issue..."

"Maraming tao ang mag o opposed, magagalit, kakainisan ka dahil hindi naayun ang kagustuhan nila sa kagustuhan at dinesenyo ng Diyos. Keep on praying for your son po. There are testimonies na nagbabalik loob sa Panginoon. 🙏🏻"

"Prayer is powerful"

"Godbless po Idol you're a good good mother for standing holliness for God . 😊😊"

"You are a blessing and you are a strong momma Izzy! You will be greatly rewarded! ❤️. We love you and we praise God for you!"

"mother knows best in all aspect ♥️🙏"

"Were so proud of you for standing the truth for the Lord. Thank you Izzy 😊😊😊"

"Were so proud for standing the truth! 🥹💗 knowing na mababash ka ng madaming tao. May God continue to bless you. We love you"

"Keep the faith ms. Izzy! God has plans. Praying for you and your family 🤍"

"Keep the faith ms. Izzy! God has plans. Magpatuloy lang po tayo sa Kanya 🤍"

"Godbless everyone on this com-sec. you know God has a plan for each and everyone of us. kaya Keep on pushing lg. the end is near"

"Just pray the people they don't know what they are saying... But let us stand firm for the Lord Jesus Christ our saviour ❤"