Nagpahayag ng pagkalito ang host-actor na si Luis Manzano sa kaniyang Instagram account nitong Huwebes, Setyembre 14, dahil sa dami umano ng nakikita niyang kamukha.

Makikita kasi sa post ni Luis ang video ng isang lalaking tumatawid sa kalsada na talagang aakalain mong siya dahil sa posture ng katawan. Bago pa ito, may isang video pa siyang in-upload kung saan niya nilinaw na hindi umano siya ang lalaking nakasuot pambabae habang sumasayaw sa isang kainan.

Ang sey tuloy ni Luis sa caption ng kaniyang post: “Hindi po ako yan!!! Teka… di ko na rin alam, baka nga ako yan 😳😳😳😳”

Narito naman ang komento ng mga netizen kaugnay sa post ni Luis:

Luis Manzano, nakaranas agad ng pang-aasar sa anak

"Lodi parang kaw nga ahahaha"

"Hahaha! 😂 nakaka confuse nga if Ikaw nga yan 😄"

"HAHAHAHAHA! Nice voots, mamacita! 🔥"

"😂😂😂 heartbroken ka siguro nung mga oras na to idol 😁✌️"

"HAHAHAHHAHAHAHAHA hay @luckymanzano mabuti nalng pinanganak ka! 😂 dami mong napapasayang tao"

Matatandaang kinaaliwan din kamakailan ng netizen ang biro ni Luis tungkol sa pang-aasar ni Baby peanut sa kaniya.