Inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na nahirapan siya teleseryeng “Abot Kamay na Pangarap” ng GMA Network.

Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, Setyembre 13, nahirapan umano si Ken gampanan ang karakter ni “Doc Lyndon Javier” sa nasabing medical drama series.

“Isa ‘to sa pinakamahirap na roles na ginawa ko. Because ‘yung mga jargons ng medical world, mahirap. Nakakautal. Tapos talagang kailangan mong pag-aralan,” sabi ni Ken.

Pero thankful daw ang aktor dahil sa set ng “Abot-Kamay na Pangarap”, may mga totoong doktor na tumutulong sa kanila.

Ken Chan, may inaming pasabog tungkol sa kanila ni Rita Daniela

“Kung paano ‘yung tamang pronunciation ng mga jargons, ng mga medical term, kung paano ‘yung tamang proseso,” dagdag pa niya.

Malaking tulong din umano ang pananatili niya sa ospital noong maoperahan ang ama niya dahil sa sakit na cancer.

Matatandaang humarap na rin si Ken sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Pebrero kung saan niya inamin ang tungkol sa kanila ng dating katambal na si Rita Daniela.